apat kaming magkakapatid. ang dalawa kong kuya, si ate at ako.
ang pangalawa’t si ate ay pareho nang umalis ng bahay. nagsarili kumbaga. may mga sarili nang pamilya kasi.
di tulad ni kuya (panganay namin) at iba naming pinsan na nakasukob pa rin sa mga magulang nila. kunsabagay, di naman pasanin ng itay at inay ang kuya. s’ya ang gumagawa sa bukid.
sa dalawang umalis, ma-swerte si kuya (ang pangalawa). palibhasa, magandang kurso ang tinapos niya.
kabaliktaran naman ang dinanas ni ate. muntik na nga s’yang iuwing bangkay sa bahay. buti na lang maagap na umaks’yon si inay.
pero iba ang nangyari sa marami kong pinsan. kung hindi man pantay na ang mga paa, bugbog at namamaga ang buong katawan nang iuwi ng bahay.
sa mga padala ni kuya’t ate at iba naming pinsan malaking tulong raw sa kabuhayan namin.
pero masama ang loob ng kuya. wala raw malasakit ang mga kapatid at pinsan naming umalis.
ang gulo nga rin, eh.
ang iba pinupuri ang tulong na gawa ng pagpapadala nila. sa mga tulad ni kuya, mas matimbang ang serbisyo para sa mga kadugo.
pero kanino nga ba dapat bumagsak ang sisi?
at sino ang mas higit na naglilingkod sa kanila?
ikaw? aalis ka rin ba?
ako, i don’t plan on leaving the philippines. i may not look (alright, sometimes even act) the part, but i think i still have an iota of nationalism in me. i love the philippines. every filipino should.
Comment by spongebabe — Sunday, 27 April 2008 @ 1:08 p04 |