malaki ang bahay namin. marami kaming nakatira dito. halos lahat na ‘ata ng kamag-anakan namin. tipikal naman kasi ang ganitong sitwasyon sa aming lugar .
sa ngayon, si ina ang nasusunod sa lahat ng bagay. nahuli niya kasi si itay na gumagawa ng kalokohan. kaya’t matagal na panahon ding nakulong sa k’warto ang itay. pero ngayon nakakagala na ulit siya. bantay nga lang ng mga alipores ni inay. parang mga matang nagmamatyag palagi.
ewan ko, pero gano’n naman yata palagi. maraming sipsip. maraming umaaligid na ang tanging hangad ay maisakatuparan ang sariling ambisyon.
dati kasi si tito ang may hawak sa ‘ming lahat. subalit napasama ang imahe sa karamihan kaya’t pinalitan siya. marami nang pumalit sa kanya bago si itay at inay.
at tingin ko, patuloy na ganire ang mangyayari. na parang normal lang sa buhay namin.
marami na akong pinsan na nagsi-alisan. lumipat ng ibang bahay. mustsatsa man raw sila roon, maalwan naman ang buhay.
di maiwasan, naitatanong ko rin sa sarili ko kung naghihirap nga ba kami? kasi madalas pinagmamalaki ni inay na umuunlad naman ang kabuhayan namin. ang sabi naman ng ibang kamag-anak namin, ‘di raw nila maramdaman.
tulad ng karaniwang bahay, marami rin kaming kinakaharap na problema. nandyan yong kawalan ng sapat na pagkain sa mesa. ‘di naman kasi kami sabay-sabay na dumudulog sa hapag-kainan. maaaring ‘di maramdaman at makita ng iba. nand’yan rin yong mga paratang na may ginagawang kalokohan ang inay.
nakakalito nga, eh. o mas tama yatang nakakahilo na? paikot-ikot na lang kasi. minsan, nagmumukha na lang kaming mga piyon sa dramang ginagawa nila.
ano nga kaya ang dapat kong gawin? maging mabuting anak o sundan ang yapak ng mga pinsan kong nagsipag-alisan?
ikaw? kamag-anak ba kita? anong plano mo?